Miyerkules, Hulyo 6, 2011

Kabanata 2: Ibabang Kubyerta

Basilio – nakatatanda at nakasuot ng itim, estudyante ng Medisina , at kinikilala sa kaniyang mabuting panggagamot at kahanga-hangang pag-aalaga sa may-sakit.

Isagani – higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga makakata kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali, karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo.

- Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano kung saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio

Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo para tumulong sa pagkumbinsi.

Pondo? Magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral


Propesor? Mga Filipino ang kalahati at mga Peninsular ang kalahati

Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan

Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino.

Pakikipag-usap ni Simoun:

Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting uminom nito, ngunit tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro ang iniinom ni Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni Isagani ay: “ napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo!”

- dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris ---si Simoun ng Kapitan Heneral

Si PADRE FLORENTINO:

Siya ang klerigo na tiyuhin ni Isagani

Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan niya ang kanyang parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila.

Kabanata 1: Sa Kubyerta

“sic itur ad astra”
Ganito ang landas ng mga Bituin



Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna:

- Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.

- Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta.

- Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa.

- Donya Victorina – tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok.

Mga Nasa Kubyerta:

Tatlong Fraile –uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan

Don Custodio – payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto

Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) – isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat siya ay nag-iisip

Simoun – ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral.

Ang Pagtatalo:

Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.

· Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas,

· Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.

Sumagot naman si Don Custodio – sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa proyektong iyan.

Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa

Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.

Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.

- Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon?

Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.

Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.

Panimulang Mensahe

Sa mga mambabasa, nais akong magpasalamat sa inyo sa pagdalo sa aking blog. Ang El Filibusterismo ay isinulat ni Doktor Jose Rizal bilang katuloy ng kanyang unang nobela na "Noli Me Tangere". Ang nobelang ito ay pinag-aaralan ng mga nasa Ikaapat na Taon sa Mataas na Paaralan. Itong blog na ito'y aking inilikha para sa mga nahihirapang unawain ang nobelang ito. Iba sa mga buod rito ay may karapatang magpalathala o "Copyright". Sana'y mas lalo ninyong maintindihan ang mga buod dito sa site na ito. Respeto rin po sana sa mga maglalahad ng kanilang mga komento rito. Bukas ang blog na ito para sa mga komento at mga suggestions ninyo. Huwag sana gamitin ang mga masasama o malilibog na salita dito sa blog na ito. Salamat at maligayang pagbabasa!




Para sa Ikaapat na Taon, Seksyon Avellana 2011 - 2012

May - Akda (De Luna)